My London Kwentos After 10M Years..ATLAST!

Posted by acmomcee | Uncategorized | Thursday 17 April 2008 7:31 am

haaayzz!!! Atlast! Makakapagkwento na ako..My laptop arrived just now kaya eto..nagkukumahog talaga akong magkwento sa lahat ng nangyayari samin dito sa London..

Simulan natin sa simulang simula..Ayun, umalis kame ng Pinas ng 6pm ng March 29 to Hongkong..May nakilala si Alyssa na baby sa harap ng upuan namin sa Cathay Pacific, at ang name din nya ay Alyssa (same spelling and same pronunciation) and they are both charming..Pareho silang tulog buong flight at ako ay nagbarado ang tenga bago pa bumaba sa HK airport..sakit sa tenga! Nawala nalang sya nung lumipad na yung next flight..

At dahil ang next flight namin ay 12mn pa via British Airways..naglakwatsa muna kame sa HK airport ng 4 hours..NIakad namin ang pagkalaki-laking airport..naglaro sa walkalator at kumain sa pagkamahal mahal na Burger King..haay!!! syempre todo convert ang lola mo..hahaha…Then pagdating namin sa waiting area, may nakita nanaman si Alyssa na kalaro na almost her age kaso Chinese..hindi ko alam kung pano sila nagkakaintindihan pero laro talaga sila ng laro..baby talk nalang siguro..hahaha..

Ayun, tapos klangan nanaman umupo sa plane ng 12hours..haay! sakit sa pwet! Sa haba ng byahe, 1 movie lang ang napanood ko..Enchanted..hehehe..Wala kameng ginawa sa plane kundi kumain at matulog..at as usual, pagbaba, barado nanaman ang tenga ko (and it lasted for 3 days..kainis) lagi nalang akong ganun pag sasakay ng plane..the worst was during my Davao flight which lasted for 1 whole week (my whole stay there!)

Tapos..yun na nga..naghintay pa kame ng sundo sa Heathrow Airport..Thanks to our dear friends Kaye and Jay..kundi sa kanila..mag cocommute kame pauwi..hahaha..grabe! SOBRANG LAMIG!

Ayun..sabi namin hindi na kame matutulog para walang jetlog..eh nakatulog kame ng 2pm, at ayun, hindi na kame nagising para manlang kumain ng dinner..12mn na kame nagising..gutom na gutom kame..hahaha!!!

Kinabukasan, umabsent ang aming daddy para makapagpahinga..dahil wala kameng coffee, lumabas kame para bumili at ayun, nakalibot din kame sa paligid ng village..

Sa buong 3 weeks namin dito, every weekends lang kame nakakalabas mag-ina..lagi lang kameng tulog maghapon..at enjoy naman kame kase tambay to the max talaga kame! hahaha! nakakatamad lumabas kase sobrang lamig! kahit nga sa loob ng bahay eh sobrang lamig! kaya lagi ako naka jacket..si Alyssa parang kalabaw ang balat..naka sando lang sa loob ng bahay..kahit sa labas hindi sya nilalamig..grabe!

Ayun..tapos 1st week end namin dito nagpunta kame sa Leeds Castle kung saan tumira ang ilang generations ng mga royalties..ang ganda ng place..sobra! (you can check out my pics entitled Leeds Castle)

Tapos, dahil maaga pa..nagpunta pa kame sa isang Department Store para lang maglakwatsa..at sa Disney Store para ibili ni tita Kaye si Alyssa ng Pooh, kaso hindi pooh ang nagustuhan nya kundi ang lutu-lutuan na Mickey Mouse..

At ang layo ng nilakad namin nung araw na yun dahil wala mapapagparkingan ng kotse kaya klangan namin sya ipark somewhere at mag bus to and fro..at ayun..grabe..TO THE MAX ang lamig! hindi ko na mailakad ang kanang paa ko sa sakit at sa lamig! Kaya naman pala..mag Snow kinabukasan..As expected, sumama ang pakiramdam ko..nilagnat ang lola mo with matching cough and colds na galing pang Pinas. haay!!! ayun..naiwan tuloy ako sa loob ng bahay habang silang lahat ay nag eenjoy sa snow..at dahil magsisimba kinahapunan, klangan ko din lumabas..at dahil may snow pa sa kotse, nakahawak naman ako, in fairness..hahaha!!! at naka experience din ako kase pagtawid papuntang simbahan ay umaambon parin ng snow..

Ayun, next week end, plinano naman naming maglakwatsa sa buong London pero nabunlali nanaman ang plano dahil umulan..basang basa kameng mag-anak..hehehe…
At pagsakay namin ng tube, tsaka sya tumila..ayun..deretso..yun nga lang, hindi na lahat..yung mga on the way nalang..grabe! ang sama lagi ng panahon dito..hindi stable..minsan maaraw, sa hapon uulan..

At dahil napapagod ang aming daddy sa tuwing lalabas dahil laging nagpapakarga ang aming batuta..ayun, binili ng stroller..uso kase dito na kahit malaki na, naka stroller parin..at ngayon nmin naintindihan na mas convenient nga naman sya..kaya laking ginhawa ni daddy ng makabili..hehehe…

At nga pala..dito, nag uumpisang gumabi, 8pm pa..kaya till 8, maliwanag pa..ayun..yun nalang muna for now…kwento ulit ako next time…

Related Posts with Thumbnails