LP: Karampot o Kaunti
Ito ang aking unang pagkakataon na makasali sa Litratong Pinoy at umaasa ako na makasali muli sa mga susunod na linggo.
Ngayon ko lamang nalaman na ang Tagalog pala ng cherry ay seresa. Magandang bagong kaalaman ito.
Ito ang mga seresa na kuha ko pa noong nakaraang tag-init dito sa Britannia. Napakasarap nito, parang lumboy/duhat kung sa atin. Isang puno itong palanggana ngunit ng aking maabutan, kakarampot na at sinintensyahan na ng aking mag-ama.













