
Ito ang kayumangging kahon na natanggap ko nung aking ika-25 na kaarawan. Ito ang una at marahil ay huli na rin na makakatanggap ako ng ganitong kayumangging kahon. Ito ay sorpresa sa akin ng aking pinakamamahal na kabiyak at kahit na alam niyang hindi ako mahilig sa ganitong tatak dahil ako isang napaka praktikal na tao, pinili parin nyang ibigay ito sa akin.
Natuwa ako sa regalong ito, pero mas natuwa ako dahil mas pinaramdam nya sa akin ang aking importansya sa kanya, na kahit gaano kamahal ay buong puso nyang ibibay sa akin. Hindi na ako naghahangad ng ganito kamahal na regalo sa mga susunod ko pang kaarawan, ang mas mahalaga ay ang maiparamdam nya sa akin, at gayun din ako sa kanya, na mahal man o walang katumbas na halaga ay importante kame sa isa’t isa.
