LP: Kulay Rosas/Pink – Kalesa
Ito ang kalesa ni Barbie na kinahuhumalingan ngayon ng aking anak. Ito ang bago nyang laruan na natanggap nya dahil sa kanyang pagiging mabuting bata noon araw ng mga puso mula sa aming mag-asawa. Ngunit dahil sa hindi sya mahilig sa Barbie, nakakatuwang tingnan na ang pinapasakay nya dito ay ang kanyang mga laruang hayop – mga dinosaur, pony, leon, elepante at kung ano ano pa.















